Ang Zika ay isang sakit na dulot ng isang uri ng flavivirus. Pangkaraniwan itong napupunta sa tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok na kung tawagin ay Aedes aegypti. Nakukuha din mula sa lamok na ito ang mga sakit na dengue, chikungunya at yellow fever. Mayroong ding mga ulat ukol sa pagkahawa sa sakit na ito sa pamamagitan ng pagtatalik, at pagkahawa ng sanggol habang nasa sinapupunan ng inang may sakit. Halos lahat ng tao na may Zika ay walang ipinapakitang sintomas. Ang iba naman ay nakakaramdam ng lagnat, mga pantal, pamumula ng mata, at pananakit ng kasukasuan. Mayroon ding mga ulat ng pananakit ng kalamnan, malaise o sakit ng ulo. Ang mga sintomas na ito ay pangkaraniwang tumatagal ng dalawa hanggang pitong araw. Sa kasalukuyan, walang paggamot o bakuna na maibibigay para sa sakit na ito.
Bisitahin ang www.WHO.int para sa pinakabagong impormasyon ukol sa Zika.
Ayon sa World Health Organization (WHO) ZIKA VIRUS MICROCEPHALY AND GUILLAIN-BARRÉ SYNDROME SITUATION REPORT 14 APRIL 2016, “Base sa dumadaming bilang ng pananaliksik, mayroong nang sapat na ebidensiya na ang Zika virus nga ang dahilan ng microcephaly, Guillian-Barré syndrome at iba pang mga pagkadeporma sa utak ng sanggol habang nasa sinapupunan.” At itinutukoy sa ulat na ito ang tatlong pagaaral na 12, 13, 14.
12 http://www.nejm.org/doi/full/10.1056/NEJMp1602708
13 http://www.nejm.org/doi/full/10.1056/NEJMsr1604338
14 http://www.who.int/mediacentre/factsheets/zika/en/
Inilalarawan ng animasyon ang paraan ng pagkalat ng sakit na ito, na karaniwang nauukol sa kagat ng lamok na Aedes aegypti, at iba pang impormasyon ukol sa kaugalian ng lamok na ito. Ipinapakita ng video ang ilang mga importanteng hakbang na maaring sundin upang maiwasan makagat ng lamok sa loob at labas ng bahay, at upang mapanatili ang kalinisan sa paligid ng bahay. Nararapat na maging responsable araw-araw upang mapigilan ang pagkalat ng Zika at upang maiwasan ang pagkabalisa at pagkakaroon ng sakit sa ating komunidad.